All glory and praise to Christ Jesus our Lord!
Blessed Virgin Mary,
St. Joseph and St. Philomena,
pray for us.




Jaifred Christian F. Lopez.
Tawagin na lamang na Jimjim.
Taga-Villasis, Pangasinan, at
Lungsod ng Marikina.
60% Ilocano. 20% Bisaya. 20% Tagalog.
Pangalawang taon siya sa kursong INTARMED,
sa UP Manila.
Kasapi siya sa CFC Youth for Christ Urdaneta at sa UP Manila Campus Based.








Roll over your mouse
on the links to see
descriptions.



Roll over your mouse
on the links to see
descriptions.



Blogarama - The Blog Directory

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com

Listed on Blogwise

Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons License.


joined jimjim875 in his journey. Thanks a million!

Powered by Blogger

Layout edited from
the Blogdrive default
template. Ha??? Kamo??
Bakit default??
Malinis tingnan eh!
May angal???

This layout was transplanted
from my former blog at Blogdrive. I am hoping that
I am not infringing
any intellectual property
rights here.







Thursday, March 31, 2005

Visita Iglesia 2005 (part 1)

(Sensya po sa delay. Marami akong mga naging exam, pasensya na po. Pero at least and at last, masaya! Nakapagblog ulit ako!)

Matapos danasin ang walang kapantay na kasamaan ng aming mga propesor dahil sa mga exam na iyan, sa wakas... nakauwi rin ako noong Holy Tuesday! Isa talaga sa mga kasarapan ng buhay ang pag-uwi... pero... kasarapan nga ba? Ang medyo nakakabanas isipan ay ang fact na kelangan ko pa ring magreview for Calculus and Chem. Nakakainis diba? Feel na feel mo na ngang bakasyon pero, hayyy trabaho. Mas malala na raw pag med proper na ako... but hey, isang taon pa iyan.. Let's get to the bridge first before crossing it.

Anyway, part ng aming family tradition every Holy Week ay ang Visita Iglesia, kung saan usually, seven churches ang bibisitahin. Pero this year, may bagong naging pakulo. Masaya siya. Fourteen churches kami this year! Naisipan ng mga parents ko this year na para daw mas makarami kami ng simbahan, paisa-isang station of the cross na lang ang idasal namin sa bawat simbahan, na all-in all ay fourteen stations. Itoy para daw di kami gabihin. At masaya dahil mas maraming mapupuntahang simbahan. At ang aming ruta this year? Midwest Pangasinan, kung saan di pa ako nakakapunta talaga, nakadaan lang... Like Mangatarem, Aguilar or Bugallon. At dahil nga sa kalayuan ng mga bayang ito sa aking hometown (Villasis) di pa kami napupunta sa side na ito ng Pangasinan (nakakahiya po, pero kahit taga Pangasinan po ako, HINDI PA PO AKO NAKAKAPUNTA SA HUNDRED ISLANDS na nasa EXTREME WEST, sobrang extreme, sabi ng kapatid ko three hours daw ang biyahe. Would you believe it?). Kaya malaki rin ang Pangasinan kung tutuusin. Kaya lubos na lang akong nasiyahan na ang side na ito ng Pangasinan ang aming bibisitahin...



Dinaanan namin ang Western side ng Carmen (isang popular na intersection sa Rosales, ang unang bayang madadaanan mo sa Pangasinan pag papunta ka ng Baguio) at tinuluy-tuloy hanggang sa umikot kami sa may parteng Malasiqui. Masaya ang journey na ito dahil bukod sa mas marami ka nang mapupuntahan, kay ganda pa ng scenery. Sayang, wala pa rin akong digicam hanggang ngayon. At hindi ko rin naman napag-isipang magdala ng camera dahil naisip ko rin na ang Visita Iglesia ay para sa taimtimang pagdarasal, hindi para sa sight-seeing. Pero, hindi pa rin mapigilang mamangha sa kagandahan ng mga "taltalon" o bukirin, ng mga "bambantay" o bundok, sa napakagandang simoy ng hangin at bughaw ng langit.

Una naming naging destinasyon ay ang Parokya sa Sto. Tomas. Ang Sto. Tomas ang siyang pinakamaliit na bayan sa Pangasinan (sa pagkakaalam ko) dahil ilang kilometro lang sa pagdaan mo rito nasa Alcala ka na, ang susunod na bayan. Pero kahit maliit ang bayang ito, maituturing na maganda na ang kanilang simbahan. Halatang napondohan na ito ng mga kababayan nilang nakapagpunta na sa Amerika. Malinis ang kapaligiran. Naisipan ng mga kapatid ko na makipaghabulan sa akin, pero, sa kalampahan ba naman ng kuya nila? At ang nakakatuwa pa... ay kasama ko pa si Pareng Neil Campbell sa pagkakatawan ng kanyang kinathang... BIOLOGY 4th ed. Hehehe. Pumasok ako sa simbahan habang pinipilit na bigkasin nang maayos ang molecule na nabubuo sa kalagitnaan ng glycolytic pathway sa cell metabolism at siyang nagagamit for the rest of the pathway: GLYCERALDEHYDE PHOSPHATE. Oha?



Naging susunod na destinasyon namin ang Alcala. Kung inyong maalala, dito nanirahan ang famosong SARS victim na si Adela Catalon, at dahil sa kalapitan ng Alcala sa lugar namin, pag pumupunta ako ng Maynila noong panahon ng SARS scare (2002) parang nangangamba akong mandiri ang mga tao sa amin. Naalala ko nga iyong kinuwento ng mga brothers and sisters namin sa YFC noong umattend sila ng High School Summit sa Benguet State University Campus (Sis. Ira! Pumunta ka ba dun? Ako... hindi eh, kinuwento nga lang sa akin eh, sayang.). Pinandirihan daw sila implicitly ng mga ibang delegates. Kaya raw ng magworship na at "Freedom" na iyong song, kinanta nila..."SARS Free... SARS Free... SARS Free... SARS Free... We will walk in Your freedom, walk in Your liberty..." imbis na "I'm free." Wala lang. Naalala ko lang. Nakakatuwang isipin kasi eh. At isa pang trivia: Si Adela Catalon ay kinonfine sa VILLASIS POLYMEDIC HOSPITAL, right in my hometown. Although nakakatakot at first na malamang pumunta rin pala siya sa amin, I'm so proud of our doctors here. Napigilan nilang kumalat ang SARS sa Pangasinan.

Anyway, nawala na ako sa takbo ng storya. hehehe. Nang pagpunta na namin sa simbahan, nasalubong ko si Bro. Resley, bro namin sa YFC. Wala lang, antagal ko na kasing di sila nakikita, nakakamiss na rin. At di rin pala ako nag-iisa na nakakita ng mga bros. Pati sina Ma at Dad, nakakita rin ng mga kapatid nila sa Marriage Encounter na nagbibisita rin. Dito sa Alcala namin dinasal ang second station.

Sumunod naming station ay sa Bautista, kung saan naggraduate si Ngrkz ng high school. **Ang cute ng kakikita ko lang na daga. Wala lang.** Dito namin dinasal ang third station.

Bayambang naman ang aming sinunod na bisitahin, at kung inyong naalala ang inyong Philippine History (History 1), dito ang isa sa mga huling pinaghimpilan ni Emilio Aguinaldo ng kanyang Philippine Republic bago siya mahuli sa Palanan, Isabela noong March 23, 1901 (ngek). Ang ganda ng simbahan sa loob, at kahit walang electric fan, ang lamig ng pakiramdam sa loob. Siyanga pala. Dito ako nakakita ng kakaibang manlilimos: babaing nakacurls at nakalipstick pa. (?) Isa ang simbahan ng Bayambang sa mga pinakamatanda sa Pangasinan, kaya natutuwa ako pag pumupunta kami rito, bukod sa mga iba pang lumang simbahan sa Pangasinan. Para kasing nasa iba kang dimensiyon kapag nasa loob ka ng mga ito.

Sumunod naming bisitahin ang Camiling, Tarlac. Dahil malapit na ito sa Bayambang, naisipan ng Dad ko na lumabas naman sa probinsya. Maunlad ang Camiling, dahil na rin ito sa pagiging gateway niya to Western Pangasinan. Kaya umasa na lang kami na siguro, maganda ang simbahan. Nang nakita kong lumang simbahan ang kanilang parokya, natuwa ako. Pero paglapit namin, nalungkot na lang kami hindi lang dahil sa nasayangan kami't hindi kami makakapasok, kundi nalungkot rin ako para sa mga taga-Camiling. Nasunog kasi ang simbahan nila. Sa kanilang temporary relocated church kami pumunta, na ok din naman, pero, dahil nga temporary, mga tent ang silong ng mga upuan, at nakapaligid ang mga ito sa isang chapel na may mga grilles. Maganda rin ang ayos ng makeshift na simbahan sa loob, pero siguro, iba parin yung dati nilang simbahan, na sayang lamang, ay natupok ng apoy.

San Clemente, Tarlac ang sinunod naming tunguhin. Ang simbahan nila ay parang tipikal na estilo ng mga simbahang Protestante sa Amerika, may maliit na gate, paved na patio, may garden, at stairway na katamtaman ang liit. Puti ang kulay ng simbahan, hindi ang mga karaniwang beige, brick o marmol. Nagdasal kami rito ng sixth station.

Matapos ang halos trenta minutong paglalakbay, narating namin uli ang Pangasinan at dumating sa Mangatarem. Isa itong bulubunduking bayan na laging daraanan ng mga bus papuntang Bolinao at Alaminos. Pagpunta namin sa simbahan, natuwa ako na ito'y luma rin, pero, sa totoo lang, nahirapan akong magconcentrate sa pagdarasal at medyo naiingayan ako sa mga uni ng paniki na ginawa nang kuweba ang mga malalaking bintana ng simbahan. Nagandahan din ako sa effort nilang lagyan ng dome ang simbahan, pero, di pa rin siya tapos. Mas lalo nang gaganda ang simbahan pag tapos na. Nakakaexcite.

**Itutuloy next week.. Sorry po, mag-aaral pa po ako eh...**

{}{}{}{}{}{}{}

Thank you Lord Jesus for making this trip possible. Help me to be reminded that despite the magnificence of the churches we have dedicated to You, Your spirit not dwells solely in them, but in our hearts Lord God. Let our hearts be inflamed with Your presence in our hearts. Through Your Most Holy Name, and through your Blessed Mother's intercession and Saint Philomena's, Amen.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home